http://blog.easyandsimplefood.com/ Ang buhay ng ibang bansa
Sa hirap ng buhay maraming mga pilipino nakikibaka sa ibang bansa. Masakit man sa kalooban nilang hiwalayan ang mga anak at asawa para pumunta sa abroad at magtrabaho. Sa hirap na danasin my among mabait at may amo rin masungit. Bawal ang Telephone or makipagusap sa kapwa pinoy. Buti nalang meron kang patago na mag facebook.Paggising ka kayod kalabaw ka ulit magtrabaho ng 6:00 oclock ng umaga trabaho dito trabaho doon pag dating ng amo utos dito utos doon pag di tama ipapagawa nila sigaw ang iyong magagampanan. At gabi na rin pagnatutulog alas 12 ng madaling araw .Pag tawag ka sa pinas masaya ka na pag makausap mo mga anak mo at asawa , Pero pag bungad palang hello daddy hello mommy musta po sa abroad. sabi natin ok lang ako anak . Kahit ikaw nahihirapan na sa abroad. hindi ka naman basta basta umuwi dahil maraming mga gusto mong tagumpayan para lang maibigay ang gusto ng pamilya mo .. Ni kuting wala ka man lang ipon or pambili ng gamit na gusto mo rin bilhin. pag di mo maibigay ang gusto nila sila pa ang magagalit. bakit ganoon sana intindihin din nila ang buhay at situation ang nasa abroad , Hindi basta basta ang kumayod sa ibang bansa minsan pa nga kulang ang tulog at makain ng ibinibigay ng amo. At meron din minsan pag ang asawa na sa abroad ang pangangailangan ang nga asawa so humanap din sila ng iba minsan pa nga my man babae or man lalake. or luho sa droga or lasengero. Sana mahiya kayo sa mga asawa nyo na kumakayod sa ibang bansa . kahit my sakit sila kumakayod at ikaw nagpapakasaya sa pinagtratrabahoan NYA. Sana pahalagahan natin ang hirap at kayod ng ating mga mahal sa buhay.!!
No comments:
Post a Comment